Ang edukasyon ang pinakamahalagang pamana ng isang magulang sa kaniyang anak na hndi mananakaw nang sinuman. Gaya nang isang susi, ito ang magbubukas ng pinto patungo sa napakaraming pangarap ng bawat kabataan. Subalit anu nga ang kahalagahan nito?
Magmula pa noon hanggang sa kasalukuyan, sadyang napakahalaga ng edukasyob lalong lalo na sa buhay ng isang kabataan. Sapagkat ito ang naghahatid ng mga kapaki-pakinabang na kaalaman na makatulong sa kanilang pang-araw -araw na pamumuhay. Ito din ang siyang nagtuturo ng mga gintong aral sa bawat isa na siya tulay upang magkaroon ng mabuting asal at paguugali. Gayundin ang edukasyon ang siyang magsisilbing sandigan ng bawat kabataan upang magkapaghanap ng magandang trabaho. Dahil sa panahon ngayon mas - angat ang pinag-aralan lalong lalo na sa mga establishimento. Higit sa lahat, sadyang napakahalaga ng edukasyon sapagkat ito ang siyang instrumento upang mabigyan ng katuparan ang mga pangarap ng napakaraminh kabataan. Ito ang siyang magdadala sa bawar isa tungo sa isang maliwanag at maunlad na pamumuhay sa hinaharap.
Sa ating modernong panahon, sadyang napakaimportante ng edukasyon sa ating buhay kaya naman marapat lang na bigyan natin ito ng halaga at huwag ipasawalang bahala . Imulat natin ang kaisipan sa mabuting hatid nito dahil ito ang magbibigay katuparan sa ating mga mithiin.
Tama talaga.
ReplyDelete